Tuesday, February 19, 2008

Tumatangis nang Walang Lumbay

Umiiyak ang aking puso sa tuwa,
dahil kahit anong pagpikit ang gawin,
ikaw pa rin ang nakikita.

Mahal kita,
mahal kita,
at kay tagal pa kitang makikita.

Mawala man sa sarili,
maligaya ako at sa aking buhay
ikaw ay naging bahagi.

Mahal kita,
mahal kita,
at kay tagal pa kitang magiging kabahagi.

Tikom ang aking mga bibig,
sa kung ano man ang sabihin nila,
dahil sayo lamang ako iibig.

Mahal kita,
mahal kita,
at kay tagal pa kitang mamahalin.

No comments: