Tuesday, October 21, 2008

Lie Low With Satie


Tumingala ako kagabi, nanalangin.

" Panginoon, pagod na po ako. Tulungan nyo po ako. Kunin nyo po and lahat ng kalungkutan at galit na nararamdaman ko. Napagod na po ako dahil sa dami ng taong nanakit sakin. Ipinapanalangin ko po na malaman nila n nasasaktan na ko sa ginagawa nila.''

Pumatak ang isang butil ng aking luha sa aking pisgni.

'' Panginoon, pagod na po ako. Pagod na po akong masaktan. Pagod na po akong masaktan sa piling nila. Tulungan nyo po akong malaman kung ano ang aking dapat gawin.''

Inabot ko ang Biblia. Ang sagot Niya,

"... Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga ka (kayo) ng kaunti. " Mark 6:31

Amen.

No comments: