Monday, September 1, 2008

Sa Magkaibang Dulo ng Mundo

"Paano pipiliting pigilan ang isang pusong nananabik sa pangako ng isang bagong umaga?" -Magkabilang Mundo, Vic Dancel

Gumising akong mabigat and dibdib. Para bang may kirot na kahit kailanman ay hindi na maaalis. Kulang. Kulang na ang pagkatao ko. Wala na. Wala na si Mama Taba.

Ma, alam kong masaya ka na diyan. Kasama mo na si Tita Jing. Mami-miss ka namin. Hindi na kita mayayakap. Wala nang tatawag sakin ng Magdalena Ya Matos!

Masakit. Masakit isipin na kahit anong pilit ko, hindi ko na muling mayayakap, mahahalikan, makakasama, at makikita ang pinakamamahal kong lola.

Panginoon, ikaw na po ang bahala sa kanya. Bye Ma.

No comments: