Thursday, February 12, 2009
Ayoko Na, Instead
I know this is a little bit too late to start with. Resolutions are supposed to be made as, or before, the year starts. Kaso, it felt like overused na yung idea ng paggawa ng resolutions. Majority ng mga tao ngayon, gumagawa man ng listahan nila, hindi naman nila sinusunod.
Kaya instead of writing down a list of the things that I'm supposed to do right this year, I did the opposite. I wrote down things that I don't want to do or experience anymore. Honestly, it felt good to write these things down. You might want to write your own.
1. Ayoko na maging tambay. Ayoko na ng walang (regular/full-time) work or job. Ayoko na maranasan yung umaasa ako sa ibang tao, financially man o sa kung ano pang aspeto.
2. Ayoko na ng maraming assignments. I mean, i could juggle them all together pero, my life will not revolve around work anymore. Tama na. Ayoko nang masayang ang oras ko. May mga mas importanteng bagay pa dito sa mundo na mas dapat pinaguukulan ng quality time.
3. Ayoko na ng may kaaway sa bahay namin or kanila James, sa work, sa community, or kahit saan pa. I have forgiven and forgotten na. It's time to move on. Sabi nga ni Kimpay, "KEEP MOVING FORWARD".
4. Ayoko nang hindi kami magkaintindihan ni James sa mga bagay bagay na nangyayari sa amin. The good Lord has great plans for us and we can't wait for things to finally happen. God is in the center of our relationship and He is in control. Amen!
5. Ayoko na si Ding-dong. Ayoko na rin si Ming-ming. Kung hindi niyo sila kilala, 'wag niyo na kilalanin. Please? *wink*
6. Ayoko na magyosi at uminom. Period.
Marami pang iba pero these items pretty much sums it all up and I think this list could help me decide on matters mentioned here. We'll see sa part 2 na lang nun.
Ay oo nga palaka, happy hearts' day sa lahat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment