Naaalala niyo pa ba ang mga salitang yan mula sa patalastas ng Jollibee? Medyo matagal na rin yun. Hindi ko na maalala kung kelan pero oo, kanta yan sa patalastas ng Jollibee noong unang panahon.
Pero teka...
Isang tahimik na Linggo na naman. Naglalakad kami ng aking mahal na si James pauwi mula sa simbahan. Magkahawak kamay, nagpalitan kami ng mga kwento at kuro-kuro. Hindi ko na maalala kung anong pinag-uusapan namin nang mga oras na yun pero nabanggit ko bigla si Mark Dille.
"...bibisita daw siya dito sa Pinas..." ang sabi ko habang ako ay nakayuko. Pilit na itinatago ang gutom na nararamdaman. Hindi pa kami naghahapunan.
"...bakit daw? Para i-meet ka?" ang sagot naman ni James na may tono ng pagtataka at bahid ng selos. Medyo tumaas ata boses niya.
Nagbuntong-hininga ako saka pabulong na sumagot, "...mmm, medyo." Inantay ko ang isasagot niya.
Meron nang mga nauna kay James pero sa hindi inaasahang panahon at lugar, narinig ko ang mga salitang sa unang pagkakataon ko pa lang narinig. Para bang may nagbabadyang isang napakagandang kinabukasan para sa akin... Sa amin.
Nakita kong ngumiti si James at mahinahong sinabi, "Who knows, baka married na tayo by that time."
No comments:
Post a Comment